Nabalitaan ko na may application na ipinakilala ng Facebook kamakailan upang isalin ang website nila. Sa ngayon, beta users na naanyayahan lamang ang maaaring gumamit. Hindi pa malinaw kung magkakaroon ng Tagalog Facebook ngunit naiiisip ko na kung ano ang mangyayari.

English - Filipino

FACEBOOK - MUKHAAKLAT
O pwede ring sabihing "Mukha kang aklat. Inaamag ka na eh."

"Jamie poked you." - Dinutdot ka ni Jamie.

"Jamie sent you a golden egg." - Pinadalhan ka ni Jamie ng ginintuang itlog.

"Jamie and _____ met randomly." - Wala lang. Prendly prends lang po sila.

"Jamie joined the group 'Moffatts Forever.'" - Si Jamie ay sumali sa grupong 'Moffatts Forever' pero sa totoo lang, wala naman na 'yung banda kaya kasinungalingan ang pangalan ng grupong ito. Nananaginip lang si Jamie.

"Jamie wrote you a wall message." - Sinulatan ka ni Jamie ng mensahe sa iyong pader. Sabihin mo sa kanya na huwag nang ulitin 'yon dahil mahal ang pintura.

"Jamie changed her profile picture." - Akala ni Jamie, kapag pinalitan niya ang litrato niya ay gaganda na siya pero kahit anong palit niya, ganoon pa rin ang pagmumukha niya. Ambisyosa!

"Jamie's Friends" - Ang mga kaibigan at ka-bastusan ni Jamie

"Jamie received a red rose from _____." - Nakatanggap si Jamie ng pulang rosas. Sana pinera na lang niya.

"Jamie's Network" - Ang mas malawak na ka-bastusan ni Jamie

"Birthday: Today, _____" - Kaarawan: Ngayon, _______. Huwag magparamdam o dutdotin dahil wala ka namang regalo.

"_____ has sent you a drink." - Anong gusto mong gawin ko? Maiinom ko ba 'yan?

"______'s vampire has bitten you." - Hindi ka naman KSP masyado.

"_____ attacked your Werewolf." - Tarantado 'to ah. Wala namang ganyanan!

"____ is having a great time at the party." - At nang-inggit ka pa. Hmp!

klmv wrote on Jan 30, edited on Jan 30
ROFL! Nice post jamie :)
Add a Comment
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help