| Category: | Music | | Genre: | Pop | | Artist: | Same Same |
in general, romantic ang kantang ito. same same says it's about love at first sight kind of thing. at sabi pa ni clint, it's a song you can play on your ipod at night.
hmm alam niyo na katakot-takot sa dami ng versions nito. kaya iisa-isahin ko na lang.
Without You feat. Lovi (International/Filipino version) this is by far my favorite dahil simple lang. di kailangan ng mabulaklak na vocals para mapulloff ang duet na ito. ayon sa survey (yep may survey. haha) marami ang nagsasabing top 1 ito sa lahat ng versions. when sung live, maganda itong pakinggan lalo na't nung kinanta ito ng live ay acoustic ang arrangement. may kasama pang k-hon ni pauline (yickeeeeee). ok si lovi maglive. parang nakinig ka ng original recording. kudos!
Without You feat. Nui (Thai version) pinakamahaba ang intro nito. about nui's vocals, medyo sumasablay siya at mahina ang boses niya. when sung live, hala, wala nang boses si nui. inaalalayan pa siya ni clint. at suuuuuuper layo ng boses niya sa record.
Without You feat. Audy (Indonesian version) eto maganda rin to. pramis. kung top 1 ko yung kay lovi, top 2 ko to. magaling kumanta si audy. maganda ang voice quality at mararamdaman mong matagal na siyang kumakanta at bihasang bihasa na siya sa kanyang ginagawa. magaling siyang umadlib dito at feel na feel ang birit. mapapabirit ka rin pag nakising along ka. may sablay nga lang siya sa pagpronounce ng english chorus. yung "feel" naging "fill" pag live, ok naman. minsan may sablay si audy pero bumabawi siya. magaling rin siyang manghikayat ng fans na makicheer at makikanta.
Without You feat. Jaclyn Victor (English/Malaysian version) eto ang malupit. binitay ang kanta. para sa akin ito ang pinakapangit na version. panu, iba ang style ng pagkanta ni jaclyn. sa palagay ko, di bagay ang style niya talaga sa same same. bumirit pa ng bumirit ang bruha. nasira ang kanta. ang dapat sanang romantic na kanta ay naging musical score ng horror film. ganun katindi! mapapansin mo ring pinagtagpi lang yung kanta. pakinggan mo yung second chorus. "love can make you feel so funny, no house no car not even money will-- will make me feel the way..." abrupt ang putol. sa ibang kanta, di dumodoble ang salitang "will". iba ang areglo ng first chorus sa second chorus. pero dito, pareho lang. kaya magtataka ka kung bakit nakapasa to sa standard ng same same. hay naku anu pa kaya pag narinig ko tong kinanta ng live? di pa naman sila nagpopromo tour sa malaysia with her. hay naku ayusin nga nila yan!
Without You feat. Michelle & Vickie (Chinese version) dito, aba, parang maraming chicks si Clint dito. sino ba talaga ang kinakantahan mo, Clinton? duet pa ba ito e apat na tao na ang involved? LOL. pero di nga. nakakaloka. 2 girls versus 1 boy ang drama. edi malamang maooverpower ang vocals ni boy. (kahit sabihin niyong same same talaga, di naman masyadong kumanta si bob diyan). pero in fairness maganda ang harmony nung dalawang girls pag silang dalawa ang kumakanta. yun nga lang, maraming echoz lalo na sa huli nung naglalalalala sila. may sablay din sa pronunciation.
to sum it all up, one roller coaster ride ang marinig ang lahat ng versions. pero maganda naman ang message ng kanta.
"love can make you feel so funny, no house, no car not even money will make me feel the way what im really trying to say, i cant live another day without you"
hindi ba't minsan di mo masabi nang diretso ang nararamdaman mo sa isang tao? kailangan mo pang bumwelo or idivert ang usapan sa ibang bagay bago mo sabihing i cant live another day without you. katulad niyan, nagexplain muna sa chorus na nakakaloka ang pag-ibig, saka lang nasabing "maloloka ako kung wala ka". o di ba, hanep sa preparation! edi at least kung mabasted ka, di ka masyadong mapapahiya dahil sinabi mo nang "e kasi ganito ang nagagawa ng pag-ibig".
hay. sino kayang magkakamaling mag-without you sa akin? lol  | haha baka c DAVE lolz :p
huy grabe ka tlgang inisa isa mo pa evry version haha..kumusta ka naman :) ampangit nung version n jacklyn wahhh |
 | gusto ko talagang isulat yan e. dati pa talaga. |
| |
|